Unang Huli
Wala ng rason.Unang araw pa lamang ng pasukan ay masama na ang dating sa aking ng taong ito. Siguro'y may ibang bagay na nagpagaan ng kung ano man ang dinadala ko ngayon pero sa pangkalahataan ay talaga namang nakakairita ang mga nangyari kanina. Dati ay inaakala ko na kung may pagbabago ay maganda ang mangyayari. Dati akala ko na ang bago ay mas maganda sa luma. Dati akala ko walang kwenta ang ibang mga bagay na pwedeng isantabi na lamang pero sa totoo'y puno ito ng saysay.
Marami daw namamatay sa maling akala. Patay na ba ako?
Hindi pa siguro. Ngunit ramdam ko ang lungkot. Lungkot na dulot ng pagbabago.
Gusto ko ng pagbabago para maayos ang binago. Baguhin upang ibalik ang sinimulan.
Siguro papasok na lang ulit ako bukas. Huling taon ko na pala. Ang rason na dala ng hinaharap ko; kung anu man ang rason na iyon, hindi ko alam. Nag-iisang rason ko para magpatuloy tapos hindi ko pa alam, sobrang ibang klase talaga. Siguro yung rason na iyon eh yung pangarap kong makatungtong sa kolehiyo na gusto kong pasukan. O kaya yung trabahong gusto kong makuha. O kaya yung mga taong gusto kong mapa-"WOW" dahil sa mga pinaggagagawa ko sa buhay ko. O kaya yung taong gusto kong makilala. O kaya. O kaya. O kaya kaya ko kaya?
Kailangan ko nang ubusin ang sarili ko para masimulan ang sarili kong pagbabago. Takot akong maubos. Pwede bang dagdagan ko na lang?
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home